Opening ng ABL iniurong sa Hulyo
MANILA, Philippines - Iniurong ng ASEAN BasÂketball League (ABL) ang pagsisimula ng 2014 season sa Hulyo.
Ang liga ay dapat magsimula ng ika-limang season ngayong Enero pero tila binibigyan nila ng pagkakataon ang sinusuyong koponan mula Pilipinas na makapag-isip-isip.
Ang San Miguel Beermen na nanalo sa Indonesia Warriors noong nakaraang season ay hindi na babalik matapos pahintulutan ang mga manlalaro na sumama na sa ibang PBA at PBA D-League teams.
Ang grupo ni Manny V. Pangilinan ay napabalita na interesado na magpasok ng koponan at nagkaroon na rin ng exploratory talks sa hanay ng ABL officials.
Ngunit wala pa ring linaw ang bagay na ito lalo pa’t abala sila sa mga kanilang PBA teams na Talk ‘N Text at Meralco.
Niligawan din ang Cebuana Lhuillier pero abala rin ito sa kampanya sa PBA D-League.
Sa opisyal na pahayag ng ABL, kanilang tinuran na ang pagpapaliban ng opening sa Hulyo ay upang bigyan matukoy ang mga koponang puwedeng suÂmali sa bagong season.
“A start in July will allow the ABL to better identify, confirm and prepare income teams for competition. Additionally, we would like to avoid conflict with planned major events like SEA Games in 2015, which will be held in Singapore in early June,†pahayag ni ABL Chief Operating Officer (COO) Ridi Djajakusuma.
Ang Pilipinas ay isa sa anim na bansa na nagbukas sa ABL noong 2009 sa pamamagitan ng Philippine Patriots na suportado ng Harbour Centre ni Mikee Romero.
Nanalo rin ang nasaÂbing koponan ng titulo maÂtapos talunin ang Satria Muda BritAma.
Noong 2012 ay pumaÂsok ang San Miguel Beermen upang gawing dalawa ang koponan mula Pilipinas ngunit bigo ang Beermen at Patriots na mapanalunan ang kampeonato nang nagÂwagi ang Indonesia WarÂriors.
Noong 2013, umalis na ang Patriots at naiwan ang Beermen na binawian ang Warrios sa Finals tungo sa titulo.
Ang naunang pioneer country na hindi na nagpaÂtuloy ng pagsali matapos ang dalawang season ay ang Brunei.
- Latest