^

PSN Palaro

Stags Charity Run kasado na sa Enero 12

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pangungunahan uli ng San Sebastian College-Recoletos Manila ang Stags Charity Run sa Enero 12, 2014 sa ASEAANA sa Parañaque.

Hindi bababa sa 4,000 runners ang inaasahang sasali sa pakarera na gagawin sa tatlong kategorya at ang layunin ng patakbo na may temang “Greatness Awaits One Who Recollects” ay makakuha ng pondo na igugugol sa iba’t-ibang charitable mission na nasa pangangalaga ng Order of Augustinian Recollects (OAR).

Ang taunang Stags Run ay ginagamit din bilang tampok na selebrasyon sa pagkakatatag ng SSC-R Manila na sa papasok na taon ay nasa ika-73rd taon na.

Ito ang ikaapat na sunod na taon na gagawin ang Stags Run at sa unang taon noong 2011, ito ay para sa missionary works ng OAR sa Sierra Leone, Africa at sa Cascian Island sa Palawan.

Noong 2012 ay ginawa ito para sa Takbo Para sa Edu-Mission  habang noong nakaraang taon ay tinawag ito bilang Takbo Para sa Bokasyon.

May 4000 runners ang nakiisa noong nakaraang taon at naniniwala ang mga organizers na nasa ganito ring bilang o higit pa ang sasali.

Sa mga distansyang 3, 5k at 10k ang magaganap na karera at ang registration fee ay nasa P500.00.

Ang mga nais na sumali ay maaring makipag-ugnayan kay Grace Ac-Ac/Jaivie del Socorro/Mafe Vida sa Corporate Communications Department ng SSC-R Manila sa mga teleponong (02) 7348931 loc. 216/204 o sa website na www.sscrmnl.edu.ph <http://www.sscrmnl.edu.ph/> .  

 

 

vuukle comment

CASCIAN ISLAND

CORPORATE COMMUNICATIONS DEPARTMENT

GRACE AC-AC

GREATNESS AWAITS ONE WHO RECOLLECTS

MAFE VIDA

ORDER OF AUGUSTINIAN RECOLLECTS

R MANILA

SAN SEBASTIAN COLLEGE-RECOLETOS MANILA

STAGS RUN

TAKBO PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with