^

PSN Palaro

4-sunod sasakyan ng B-Pier vs Mixers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa likod ng kanilang three-game winning streak, pupuntiryahin ng Batang Pier ang kanilang ikaapat na sunod na panalo.

Lalabanan ng mainit na Globalport ang San Mig Coffee ngayong alas-8 ng gabi matapos ang banggaan ng three-time defen­ding champions na Talk ‘N Text at bumubulusok na Barako Bull sa alas-5:45 ng hapon sa Philipine Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang tatlong huling tinalo ng Batang Pier ay ang Meralco Bolts, 93-89, Rain or Shine Elasto Painters, 90-88, at ang Alaska Aces, 94-84.

Ayon kay rookie coach Ritchie Ticzon, ang magandang samahan ng Batang Pier ang isa sa mga dahilan ng kanilang arangkada.

“Iyong jelling namin--it’s just a matter of time. Hinihintay lang naming makapag-jell ‘yung team, magsama-sama ng mas matagal,” wika ni Ticzon sa Globalport.

Nanggaling naman ang Mixers sa 90-88 pagtakas sa Energy kung saan humugot si Marc Pingris ng 13 sa kanyang 16 points sa fourth quarter noong Disyembre 17.

Sa unang laro, target naman ng Tropang Texters ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa Energy, nasa isang five-game losing slump matapos ang 2-0 panimula.

vuukle comment

ALASKA ACES

BARAKO BULL

BATANG PIER

GLOBALPORT

MALL OF ASIA ARENA

MARC PINGRIS

MERALCO BOLTS

N TEXT

PASAY CITY

PHILIPINE CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
12 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with