^

PSN Palaro

Big Chill lumapit sa semis

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinigay ni Reil Ce­r­vantes ang hanap na lide­rato mula sa kanya ng Big Chill upang pataubin ang Wangs Basketball, 75-66, sa huling laro ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa taong 2013 kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

May walo sa kanyang 15 puntos sa laro si Cervantes sa huling yugto upang biguin ang hanap na upset win mula sa Couriers.

Ito ang ika-10 panalo matapos ang 11 laro ng Superchargers para tumatag pa ang pakay na unang dalawang puwesto matapos ang single-round elimination na magtutulak sa koponan sa semifinals.

Sinandalan naman ng Jumbo Plastic ang guard na si Elliot Tan para kunin ang 79-72 panalo sa Blackwater Sports habang nangibabaw  ang Boracay Rum sa Zambales M-Builders, 83-66, sa huling dalawang laro.

Si Tan ay maryoong 26 puntos at 15 rito ay ginawa sa huling yugto at extension para tulungan ang Giants na kunin ang pangalawang puwesto sa 8-2 baraha.

Si Jan Colina ay mayroong 14 puntos habang si Harold Arboleda ay may 13 at ang tropa ni coach Stevenson Tiu ay nagkaroon ng tatlong dikit na panalo sa pagtatapos ng 2013.

Si Fil-Italian guard Chris Banchero ay may 18 puntos para pangunahan ang apat na Waves players na nasa doble-pigura para maitabla ang baraha sa 5-5 marka.

 

vuukle comment

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CHRIS BANCHERO

D-LEAGUE ASPIRANTS

ELLIOT TAN

HAROLD ARBOLEDA

JUMBO PLASTIC

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with