Team PHL humataw kumubra ng 6 ginto, no. 7 pa rin
MANILA, Philippines - Pinag-init pa ng Pambansang manlaÂlaro ang laban para sa ikaanim na puwesto nang manalo ng anim na ginto sa 27th SEA Games kahapon sa iba’t-ibang lugar sa Nay Phi Taw, Myanmar.
Nagpatuloy ang pagkinang ng mga baÂguhan sa athletics nang halinhinan ni Christopher Ulboc ang puwesto ni dating 5-time steeplechase champion Rene Herrera nang kunin ang 3000m distansiya sa siyam na minuto at 1.59 segundo.
Tumakbo rin si Herrera pero ang galing sa injury na trackster ay tumapos lamang sa ikaapat na puwesto kasunod nina Tiem Sam Pham ng Vietnam (9:02.50) at Patikam Pechsricha ng Thailand (9:04.04).
Kinuha ni decathlete Jesson Cid ang ginto sa nasabing kompetisyon sa 7038 puntos para sa ikalimang ginto ng athleÂtics team.
Pero hindi lamang sa center-piece event humataw ang Pilipinas dahil winalis ng women’s golfers ang dalawang ginto sa nasabing event habang ang men’s poomsae ay nanalo rin sa taekwondo.
Ang 16 anyos na si Princess Superal ang siyang kinilala bilang kampeon sa individual event sa six-under par 210 total matapos ang tatlong araw na torneo.
Kasama pa si Mia Legaspi at Katrina Delen-Briones, ang koponan ang siya ring nanaig sa team competion sa 428 total.
Magarang pagbubukas din ang ginawa ng men’s poomsae team na binuo nina Djustin at Raphael Mella at Vidal Marvin Gabriel nang manaig sa mga katunggali sa 7.920 puntos.
Ang tagumpay na ito ang nagsantabi sa kabiguan ng women’s team na kinabilanganan nina Janice Lagman, Rani Ortega at Rinna Babanto na nalagay lamang sa bronze medal.
Hindi rin pinahintulutan ng billiards players na mabokya sila sa edisyong ito nang talunin ni Dennis Orcollo ang kababayang si Carlo Biado, 9-7, sa All-Filipino Finals sa men’s 10-ball event.
Pambawi ito nina Orcollo at Biado sa kawalan ng medalya sa 9-ball event nang hindi nakaalpas sa quarterfinals.
Ang Pilipinas ngayon ay mayroong 20 ginto bukod sa 23 pilak at 28 bronze medal at kapos na lamang ng tatlong ginto sa nasa pang-anim na puwesto na hawak pa rin ng Singapore sa 23 ginto, 21 pilak at 31 bronze medals.
Matatag na sa unahan ang Thailand sa 71-66-62 habang balikatan para sa ikalawang puwesto ang Vietnam at host Myanmar.
Parehong may tig-53 ginto ang dalawang bansa pero Vietnam ang nasa ikalawang puwesto sa 52 pilak at 59 bronze medals laban sa 43 pilak at 49 bronze medals ng Myanmar.
- Latest