Sabido kumpiyansa na makuha ang gold sa poomsae
NAY PYI TAW --Isang maÂlakas na laban at isang gold medal finish.
Ito ang nakikita ni poomÂsae coach John Pierre Sabido bago ang pagsisimula ngayon ng taekwondo competitions sa 27th Southeast Asian Games sa Wunna Theikdi Indoor Stadium.
Sinabi ni Sabido, iginiya ang gold medal-winning men’s team noong 2009 Laos SEA Games, na hindi malayong makamit nila ang gintong medalya dahil ang kanyang mga atleta ay nasa “best shape of their careers.â€
Ang mga Filipino ay lalahok lamang sa tatlo sa limang poomsae events.
Ito ay ang men’s team, women’s team at men’s individual categories.
“The team is prepared and the players’ spirits are high,†wika ng 30-anyos na si Sabido.
Sasama ang 16-anÂyos na si Rinna Babanto kina Janice Lagman at Rani Ortega na inaasahang magÂpapalakas sa women’s team matapos ang back-to-back win sa mga nakaraang biennial Games.
Ayon kay Sabido, baÂgaÂma’t nabigo ang koponan na manalo ng medalya sa nakaraang World Cup, handa naman ang mga itong bumawi, lalo na si Babanto na pumalit kay Camille Alarilla, iniwan ang tropa para sa kanyang degree sa Law.
Ang men’s team ay binubuo nina Djustin at Raphael Mella at Vidal Marvin Gabriel.
- Latest