Sinag Pilipinas kampeon na sa SEAG
MANILA, Philippines - Hinarap ng National men’s basketball team ang Malaysia kahapon ngunit wala ng halaga ito kung ang paghablot ng gintong medalya ng Pilipinas sa 27th SEA Games ang pag-uusapan.
May 5-0 baraha ang tropa ni coach Jong Uichico at naselyuhan ng Pilipinas ang ika-16th ginto sa SEAG matapos talunin ang Indonesia, 83-52, na sinabayan pa ng 73-69 tagumpay ng Thailand sa Malaysia sa isa pang laro.
Ang kabiguang ito ng Malaysian ay pangalawa sa torneo at hindi na sila aabot sa Pilipinas kahit manalo pa sila sa tagisan kahapon.
Sa format ng torneo, ang pitong nagtatagisang bansa ay sasailalim sa single-round robin at ang maÂngunguna rito ang siyang kikilalaning kampeon.
Kung sakaling masilat ang Pilipinas ng Malaysians at manalo ang Thais sa host Myanmar sa pagtatapos ng basketball ngayong araw, magtatabla ang dalawa sa unang puwesto sa 6-1 karta.
Pero dahil dinurog ng Nationals ang Thailand sa kanilang pagtutuos, 100-68, ang bansa ang mamamaÂyagpag pa rin dahil sa winner-over-the-other rule.
Hindi naman magpaÂpabaya ang Nationals sa laro sa Malaysia dahil sweep tungo sa titulo ang nakagawian ng bansa kung men’s basketball ang pag-uusapan.
Isang beses pa lamang sa 16 na SEA Games na naÂkalusot ang ginto sa Pilipinas at nangyari ito noong 1989 sa Kuala Lumpur nang nasilat ang PambanÂsang koponan ng host country.
Walang basketball noÂong 2005 sa Pilipinas dahil suspindido ng internaÂtional basketball body (FIBA) ang bansa na siyang host ng SEAG sa taong iyon habang ‘di naman isinama ang team sport na ito sa 2009 sa Laos.
- Latest