^

PSN Palaro

Lady Troopers iuukit ang 2-peat vs HD Spikers

ATan - Pilipino Star Ngayon

 Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

11:30 am PLDT-My DSL vs Systema (Men’s finals)

1:30 pm TMS-Army vs Cignal

(Women’s finals)

 

MANILA, Philippines - Maulit ang dominasyon na ginawa sa unang pagkikita sa finals ang balak ngayon ng TMS-Army sa pagbangga sa Cignal HD Spikers sa Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix women’s volleyball finals ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa ganap na ala-1:30 ng hapon matu­tunghayan ang nasabing laro matapos ang bakbakan ng PLDT-MyDSL at Sys­te­ma sa men’s finals sa ganap na alas-11:30 ng tanghali.

Inagahan ang mga laro dahil isasaere ito ng live sa Solar Sports at TV-5.

Ang Lady Troopers at HD Spikers ang siya ring nagtuos sa kampeonato sa Invitational Conference at nanaig ang una sa huli.

Nanatiling solido ang locals ni coach Rico De Guzman dahil nasa kanya pa rin ang mahuhusay na sina Mary Jean Balse, Jacqueline Alarca, Tina Salak, Michelle Carolino at Nene Bautista.

Nakuha pa nila ang masipag na si Luangtonglang Wanitchaya bilang import at ang TMS ay nasa finals sa ikalawang sunod na conference sa ligang inorganisa ng Sports Core at may basbas ng International Volleyball Federation.

“May advantage kami sa kanila pero hindi namin dapat isipin na magiging madaling laro ito,” wika ni De Guzman na napasok ang championship round matapos patalsikin ang Cagayan Valley sa straight sets sa Final Four.

Tunay na hindi dapat pumasok ang over-confidence lalo pa’t ang bataan ni coach Sammy Acaylar ay galing sa nakakapagpataas ng morale na 17-25, 25-22, 21-25, 27-25, 16-14, panalo sa top seed ng classification round na PLDT-MyDSL.

Asahan din ang mainitang bakbakan sa pagitan ng PLDT-MyDSL at Systema dahil ang mananalo ang lalabas bilang kauna-unahang kampeon sa men’s division.

vuukle comment

ANG LADY TROOPERS

CAGAYAN VALLEY

CIGNAL

DE GUZMAN

FINAL FOUR

GRAND PRIX

INTERNATIONAL VOLLEYBALL FEDERATION

PASIG CITY

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with