La Salle batters tumibay ang laban para sa titulo
Laro Ngayon
(Rizal Memorial
Baseball Field)
7 a.m. NU vs Ateneo
12 n.n. Philab vs La Salle
3 p.m. loser NU-Ateneo
vs winner Philab-La Salle
MANILA, Philippines - Sinandalan ng La SalÂle ang husay ni Carlos Muñoz para daigin ang UP, 5-4, at manatiling palaban sa kampeonato sa 1st PSC Chairman’s Cup Baseball Classic kahapon sa Rizal Memorial Ballpark.
Lumabas ang tapang ni Muñoz sa top-of-the-ninth inning nang hindi paiskorin ang Maroons sa kanilang huling palo at maipreserba ang isang run na abante.
Walang patid ang pagpukol ni Muñoz sa laro at binigyan lamang niya ang UP ng pitong hits at apat na runs bukod sa dalawang strikeouts.
Siya rin ang tumayong bida nang bumangon ang Archers sa 0-2 iskor matapos ang dalawang innings nang ibigay niya ang pang lamang na run mula sa error ng UP sa bottom fifth.
Hindi naman nagpahuli ang Philab Ballbusters na umani ng 10 hits para katampukan ang 12-2 panalo sa Adamson na namaalam na tulad ng UP.
Magpapatuloy ang akÂsyon ngayon at ang Philab at La Salle ay haharap sa knockout game na magsisimula matapos ang pagtutuos ng NU at Ateneo sa alas-7 ng umaga.
Ang mananalo sa pagitan ng Bulldogs at Eagles sa ligang inorganisa ni PSC chairman Ricardo Garcia, ang papasok na sa Finals at may twice-to-beat advantage.
Ang huling laro ay sa pagitan ng matatalong koponan sa NU at Ateneo laban sa mananalong koponan ng Philab at La Salle para sa ikalawang puwesto sa championship round.
- Latest