^

PSN Palaro

Lozada nanguna sa panalo ng Big Chill

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumunekta ng krusyal na tres si Janus Lozada para tulungan ang Big Chill sa di­kitang 70-63 panalo laban sa Arellano-Air21 Express sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Blue Eagle Gym.

Si Reil Cervantes na na­­nguna sa Big Chill sa 20 puntos ang nagbawi ng ka­la­mangan bago kumana ng jum­per si Rodney Brondial at ang tres ni Lozada tungo sa 67-61 kalamangan may 18.8 segundo sa orasan.

Nanatiling nasa ikalawang puwesto ang Big Chill mula sa 7-1 baraha.

Si Lozada ay may 18 points, tampok ang limang tres, habang ang guard na si Brian Heruela ay nag-am­bag ng 13 markers, 10 assists at 9 rebounds.

May 15 puntos si Jo­shua Webb para sa Chiefs na lumabo na ang paghaha­bol sa puwesto sa susunod na round sa 1-7 kartaa.

Sa ikalawang laro, nai­su­long ng Hog’s Breath Ca­fé ang malinis na baraha sa 7-0 nang pataubin ang De­rulo Accelero, 86-72.

Si Philip Paniamogan ay nagtala ng 24 points para sa Hog’s Breath.

vuukle comment

BIG CHILL

BLUE EAGLE GYM

BREATH CA

BRIAN HERUELA

D-LEAGUE ASPIRANTS

JANUS LOZADA

RODNEY BRONDIAL

SHY

SI LOZADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with