^

PSN Palaro

Ang huli ay nanggaling kay Parantac wushu kumuha ng 3 gold

Pilipino Star Ngayon

NAY PYI TAW – Ibinigay ni Daniel Parantac ang pa­ngatlong gintong medalya ng Team Philippines sa 27th Southeast Asian Games ka­hapon dito sa Wunna Theikdi Indoor Stadium A.

Pinangunahan ni Pa­rantac ang two-event gold medal sa kanyang ikaapat na pagtatangka para sa ikatlong gold medal ng bansa sa wushu at balewalain ang kabiguan ni wrestler Jason Balabal sa pagdedepensa ng kanyang 84kg crown sa Greco Roman.

“Finally, I got the win,” sabi ng 23-anyos na BS Edu­cation graduate na si Parantac.

Ito na ang pinakama­tagumpay na kampanya ni Pa­rantac sa SEA Games na nag-uwi ng silver medal no­ong 2011 sa Indonesia.

“Leading din po ako no­on pero nagkaroon ng knee injury and that cost me in the taijijian then,” kuwento ng tubong Baguio City.

Sina Jessie Aligaga at Dembert Arcita ang nagbi­gay sa bansa ng unang da­lawang gintong medalya ma­tapos maghari sa sanda event ng wushu noong Lu­nes.

Kinuha naman nina Natasha Enriquez at Kariza Kris Chan ang bronze me­dal sa women’s duilian.

Ang mga kumuha ng silver ay sina Divine Wally at Evita Elise Zamora sa wo­men’s sanda (sanshou) at sina Parantac, John Keithley Chan at Norlene Ardee Ca­tolico sa men’s duilian, habang si Francisco Solis ang nagbulsa ng bronze sa sanda.

Kasalukuyang may 3 gold, 5 silver at 3 bronze medals ang Pilipinas sa overall medal tally para sa ikaanim na puwesto.

Hindi naman pinakawalan si Balabal ni Koa Cheng Houng, may dugong Korean, ng Cambodia sa second round para angkinin ang  gold medal.

Matapos ang kabiguan ay tinalo ni Balabal, nakatakdang dalhin ang watawat ng bansa bilang flag bearer sa opening ceremonies nga­yong araw, si Chinnawep Kanthalee ng Thailand para ibulsa ang silver medal.

“Inaalat kami,” wika ni na­tional team head coach Roy Camposanto.

Sa canoeing, nakuntento sa bronze medal ang ba­gitong si Hermie Macaranas sa C1 1,000-meter event.

Nakatakda namang su­­mabak sa aksyon sina Jayson Valdes, Ben­ny Cagurin at Emerito Concepcion, ang token participation ng bansa sa shooting event, sa 50m rifle com­­petition.

BAGUIO CITY

BALABAL

CHINNAWEP KANTHALEE

DANIEL PARANTAC

DEMBERT ARCITA

DIVINE WALLY

EMERITO CONCEPCION

EVITA ELISE ZAMORA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
9 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with