Sinag at Perlas nagposte ng panalo sa men’s at women’s basketball
MANILA, Philippines - Gumawa ng 16 puntos at 10 rebound si Mark Belo para pangunahan ang maÂlakas na produksyon ng bench upang tulungan ang Philippine men’s basketball team sa 88-75 panalo sa Singapore sa pagbubukas ng kampanya sa 27th SEA Games kahapon sa Zayar Thri Indoor Stadium, Nay Pyi Taw, Myanmar.
Pinahirapan ng SingaÂporeans ang Sinag hangÂgang sa kalagitnaan ng ikatÂlong yugto bago gumaÂna ang kamay ng mga paÂmaÂlit patungo sa paglista ng unang panalo sa pitong bansang liga.
Sina Kevin Ferrer at BobÂÂby Ray Parks, Jr. ay nagÂdala ng 14 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod, at ang kanilang magkasunod na tres ang nagpasiklab sa 8-0 bomba para tuluyang taÂbunan ang 51-50 iskor paÂbor sa kalaban.
Si Kiefer Ravena ay nagÂdagdag ng siyam na puntos at ang Sinag Pilipinas ay umaÂni ng 51 bench points laban sa 18 lamang ng Singaporeans na natalo sa ikalawang sunod na pagkakataon.
Ang 6-foot-11 na si Marcus Douthit ang nag-iisang starter ng tropa ni coach Jong Uichico sa 14 puntos bukod sa 10 boards at 2 blocks.
Balik-laro ang Nationals ngayong hapon at pinapaÂborang makuha ang ikalawang sunod na tagumpay konÂtra sa Cambodia.
Pero sa aktuwal na laban ay hindi nila nailabas ang larong inaasahan sa kaÂnila para masabing talsik na sa tagisan para sa gintong medalya.
Ang mangungunang koÂponan matapos ang single-round robin ang siyang kiÂkilalaning kampeon.
Bago ito ay kuminang din ang women’s team nang pabagsakin ang Malaysia, 65-59.
Iniwan kaagad ng kopoÂnan ang 13-time champion na Malaysians ng 20 puntos at saÂpat na ito para sa kanilang unang panalo sa torneo.
- Latest