Heat ibinangon ni James
MINNEAPOLIS--Kinapos ng dalawang assists si LeBron James para sa isang triple-double pero sapat ang kanyang ginawa para tulungan ang Miami Heat sa 103-82 tagumpay sa Minnesota Timberwolves sa NBA.
May 21 puntos at 14 boards bukod sa walong assists si James habang si Dwyane Wade ay nagdagdag ng 19 puntos para tapusin din ng Heat ang magkasunod na kabiguan sa kamay ng Detroit at Chicago.
Gumawa ng 19 puntos si Kevin Martin pero naramÂdaman ng Timberwolves ang di paglalaro ni Kevin Love na nakasama ang pamilya at ipinagluluksa pa ang pagkamatay ng lola para matalo sa laban.
Sa San Antonio, tinapos naman ng Indiana Pacers ang 11-sunod na pagkatalo sa Spurs matapos kumulekta ng 28 puntos si Paul George at 20 kay David West tungo sa 111-110 tagumpay.
May 15 puntos pa si Lance Stephenson habang tig-12 puntos at 10 rebounds sina Roy Hibbert at Luis Scola para sa Pacers na huling nanalo sa Spurs ay noon pang Abril 2007 sa Indianapolis.
Nakatulong sa panalo ng Pacers ang pagkontrol sa rebounding, 41-34, at ang pagrehistro ng 54 percent shooting sa field.
Sa iba pang resulta ng laro, nanalo ang Dallas MaÂvericks sa Portland Trail Blazers, 108-106; ang Cleveland Cavaliers sa Los Angeles Clippers, 88-82; ang Golden State Warriors sa Memphis Grizzlies, 108-82; ang Pistons sa Bulls, 92-75; ang Brooklyn Nets sa Milwaukee Bucks, 90-82; ang Denver Nuggets sa Philadelphia 76ers, 103-92; at ang Sacramento King sa Utah Jazz, 112-102, sa overtime.
- Latest