^

PSN Palaro

MM National Finals tatakbo na

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Libu-libong mananakbo ang nasa Mall of Asia sa Pasay City bago pa man sumilip ang haring araw para makiisa sa 37th Milo Marathon National Finals.

Tinatayang papalo sa 35,000 runners ang kakarera sa limang kategoryang paglalabanan para tumibay din ang hangaring malagpasan ang 230,000 runners na sumali sa 18 yugtong karera, kasama ang 17 regional eliminations.

Tampok na karera ay ang 42.195-km full marathon na kung saan hahanapin ang magiging kampeon sa Open at Local categories sa kalalakihan at kababaihan.

Gagantimpalaan ang mananalo sa Open, kasama ang mga foreign runners, ng P300,000.00 habang ang pinakamabilis sa locals ay may pabuyang P150,000.00.

Si James Tallam ng Kenya ang magbabalak na palawigin sa ikatlong sunod na taon ang pagdodomina sa Open division pero mapapalaban siya kay 4-time champion Eduardo Buenavista, ang nagdedepensang kampeon sa locals.

 

vuukle comment

EDUARDO BUENAVISTA

GAGANTIMPALAAN

LIBU

MALL OF ASIA

MILO MARATHON NATIONAL FINALS

OPEN

PASAY CITY

SI JAMES TALLAM

TAMPOK

TINATAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with