UE ‘di nakaporma sa FEU sa UAAP football
MANILA, Philippines - Pinatikim ng FEU ang UE ng kanilang unang pagkatalo sa dikitang 1-0 panalo sa 76th UAAP men’s football kahapon sa FEU Diliman pitch.
Si Angelou Val Jurao ang naghatid ng natataÂnging goal sa laro para maÂkuha ng Tamarws ang ikaapat na sunod na tagumpay at nangungunang 12 puntos.
Sa 69th minuto nangyari ang natatanging score sa laro nang nailusot ni Jurao ang free kick sa wall ng Warriors.
Agresibo ang FEU sa kabuuan ng laro at patunay dito ay ang kanilang 21 attempts sa goal.
Bumaba ang Warriors sa 3-1-1 baraha at naglaro sila sa second half ng wala ang ace striker na si Fitch Arboleda dahil sa hamstring injury.
Si Arboleda na nagbaÂbalik sa liga matapos maÂpahinga noong nakaraang taon dahil din sa injury ay mayroon ng limang goals na ginawa bago na-sideline.
Samantala, balik-laro ang UAAP women’s volleyball at ang National University at UE ay naghahangad ng ikalawang sunod na panalo na gagawin sa The Arena sa San Juan City.
Kalaban ng Lady Bulldogs ang UE sa ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng tapatan ng Lady Tamaraws at Ateneo dakong alas-4.
Ang Lady Warriors at Lady Eagles ay parehong natalo sa unang laban kaya’t asahan na pupukpok ito sa magaganap na tagisan.
- Latest