^

PSN Palaro

La Salle, NU Belles nagpakilala agad

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magarang pagbubukas sa pagdepensa sa women’s volleyball title ang ginawa ng La Salle nang hiritan ng straight sets panalo ang Adamson, 25-14, 25-22, 25-19, sa pagsisi­mula ng 76th UAAP volleyball kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagsanib sa 28 hits ang co-MVP noong nakaraang taon na sina Ara Galang at Abi Maraño habang apat na blocks ang ginawa ni Mika Reyes para umangat agad ang koponan sa 1-0 baraha.

“Marami pang kaila­ngang gawin dahil alam naman natin na nawalan kami ng ilang players mula sa last year’s champion team,” wika ni La Salle coach Ramil de Jesus.

Nagparamdam naman ang National University na sila ang posibleng makalaban sa kampeonato sa taon nang durugin ang pumangalawa noong nakaraang taon na Ateneo, 25-17, 25-22, 25-17, sa unang laro.

May 18 puntos si 6’2 Dindin Santiago, kasama ang tatlong service aces habang ang nakababatang kapatid na si Jaja ay may walong hits sa unang laro sa liga.

Si Edjet Mabbayad ang siyang iniupo ngayon bilang coach ng Lady Bulldogs at natuwa siya sa nakitang pagtutulungan ng magkapatid na Santiago.

“Nagamit nila ang height advantage nila sa mga kalaban. Hindi sila naglaro individually but as a team at magandang senyales ito,” wika ni Mabbayad na pinalitan si Francis Vicente.

Ang Lady Eagles na nawalan ng key players na sina Dzi Gervacio, Jem Ferrer, Gretchen Ho at Fille Cainglet ay pinamunuan ni team captain Alyssa Valdez sa kanyang 16 puntos pero kinulang siya ng suporta para maunsiyami ang debut ng Thai coach na si Anusorn Bundit.

Si Bundit ay pumalit sa puwestong iniwan ni Roger Gorayeb na naipasok ang Ateneo sa Finals sa huling dalawang seasons pero minalas silang natalo sa La Salle.

ABI MARA

ALYSSA VALDEZ

ANG LADY EAGLES

ANUSORN BUNDIT

ARA GALANG

ATENEO

DINDIN SANTIAGO

DZI GERVACIO

LA SALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with