Simula na ang aksyon sa Milo Little Olympics
CEBU CITY, Philippines ---Kabuuang 1,600 atleta mula sa 22,000 qualifiers sa Luzon, Visayas, Mindanao at National Capital Region ang maglalaban sa siyam na sports events sa pagsiklab ng Milo Little Olympics ngayon dito sa Cebu City Sports Center.
Kasama sa mga events na inaasahang dudumugin ay ang athletics at swimming, habang ang ibang events ay gagawin sa walo pang venues.
Ang track and field, itataya ang unang gold medal sa 5,000-meter at shot put eventsn gayong umaga, ay idaraos sa Cebu City Sports Center kasama ang chess, football, gymnastics, scrabble, swimming at table tennis.
Ang basketball ay lalaruin sa Cebu Coliseum, habang ang volleyball ay sa SWU’s Aznar Coliseum at University of Southern Phl at ang taekwondo ay idaraos sa Cebu Eastern College.
Mapapanood naman ang lawn tennis sa Alta Vista Golf and Contry Club and Baseline Recreation Center at ang badminton ay hahataw sa Metro Sports.
Hangad ng mga Big City bets na mapanatili ang kanilang overall championship na kanilang inagaw sa Team Visayas sa Marikina Sports Complex noong nakaraang taon.
- Latest