Black kumpiyansa kay Seigle
MANILA, Philippines - Kumpiyansa si head coach Norman Black na malaki ang maitutulong ni 1999 PBA Rookie of the Year Danny Seigle para sa kampanya ng three-time champions na Talk ‘N Text sa 2013-2014 PBA Philippine Cup.
Nakita na ni Black sa ensayo ng Tropang Texters ang 6-foot-6 na si Seigle. At maganda ang kanyang nakita sa 14-year veteran.
“He’s good. Looks like he’s in pretty good shape and we’re gonna use the next three days to try to get him educated with our offense and defense and give him the chance to contribute in our team,†ani Black sa 37-anyos na si Seigle.
Naging free agent si Seigle matapos pakawalan ng Barako Bull bago magsimula ang 39th season ng PBA.
Ang two-time Best PlaÂyer of the Conference at five-time Finals MVP awardee ay nagposte ng mga averages na 11.7 points, 4.6 rebounds at 1.3 assists sa 31 laro para sa Energy noong nakaraang season.
Sinabi ni Black na isa kina Fil-Ams Jimmy Alapag, Kelly Williams, Sean Anthony, Harvey Carey at Ali Peek ang kanilang ilalagay sa injury list para makapasok si Seigle sa line-up.
Sa patakaran ng PBA, pinapayagan lamang ang isang koponan na gumamit ng limang Fil-Ams na active players.
Sa panig ng Talk ‘N Text, ang Fil-m forward na si Rob Reyes ay nasa injury list, samantalang si guard Ryan Reyes ay ikinukunsiderang local player.
Sa 114-111 overtime vicÂtory ng Tropang Texters kontra sa Alaska Aces noong Huwebes ay nasa likod ng bench ng Talk ‘N Text si Seigle.
“I’m just excited to play for Talk ‘N Text,†sambit ni Seigle.
- Latest