Pacman alam na ang gagawin bago umakyat si Brandon sa ring
HONG KONG--Nakasuot si Manny Pacquiao ng asul na maong, puting t-shirt at itim na leather jacket kahapon ng umaga bilang paghahanda sa kanyang pagbabalik sa General Santos City.
Nakikipag-usap siya sa buntis niyang asawang si Jinkee at malapit na kaibigang si Chavit Singson nang pumayag siyang makipag-usap sa ilang reporters.
Sa kanyang pagbabalik sa General Santos City ay kasama niya ang 150 bilang ng kanyang pamilya at kaibigan.
Sinabi ng congressman ng Sarangani na ayaw na niyang magtagal sa Macau dahil gusto na niyang damayan ang kanyang mga kababayang biktima ng bagyong Yolanda.
Nang tanungin tungkol sa kanyang panalo kay Brandon Rios noong Linggo, sinabi ni Pacquiao na alam na niya ang ikikilos ng 27-anyos na si Rios bago pa ito umakyat ng boÂxing ring.
“Bago pa maglaban alam ko na,†wika ni Pacquiao.
“Lahat ng ginawa namin sa training ginawa ko sa ring,†dagdag pa nito.
Masyadong mabilis at malakas si Pacquiao para kay Rios.
“And he couldn’t land his punches because I was countering to the body,†sabi ni Pacquiao.
Nangyari ang laban noong tanghali at kinahaÂpunan ay nagsalita si Pacquiao sa harap ng audience sa isa sa mga ballrooms ng hotel.
Tinalakay niya ang kanyang matibay na paniÂniwala, kung paano siya umiyak at nagdasal para sa mga biktima ng bagyo.
Pinag-usapan din ni Pacquiao ang kanyang kaibigan at legal adviser na si Frank Gacal na nasa Manila dahil sa stroke,
Nang magbalik sa kanyang suite, pinanood ni Pacquiao ang kanyang laban kay Rios.
- Latest