^

PSN Palaro

Pacman makakabangon mula sa kabiguan kay Juan Ma - Jones

Pilipino Star Ngayon

MACAU--Sinabi ni da­ting light heavyweight champion Roy Jones, Jr. na may kakayahan si Manny Pacquiao na makabalik mula sa isang sixth round knockout loss kay Juan Manuel Marquez.

Ayon kay Jones, bahagi ng HBO broadcast team, hindi na kinukuwestiyon kung may puso pa si Pacquiao para maibangon ang kanyang sarili.

Ang tanong ay kung kaya ni Brandon Rios na ma­kipagsabayan sa dating eight-division champion.

“Oh yes, Pacquiao can definitely bounce back. That’s not a question. If that doesn’t happen, it won’t be because Pacquiao can’t bounce back but because Brandon is a smarter pla­yer,” wika ni Jones matapos sumama sa broadcast panel para sa live telecast ng weigh-in kahapon sa Cotai Arena here.

Tumimbang ang figh­ting Congressman ng Sarangani ng bigat na 145 pounds.

Ang 27-anyos namang si Rios ay mas mabigat sa 146.5 lbs. Habang si Rios ay mas malaki at mas batang figh­ter, may sapat na respeto si Jones para kay Pacquiao, binalaan naman niya itong huwag magkumpiyansa kay Rios.

“Pacquiao can try to make it easy by boxing and fighting smart but Brandon has a big heart,” wika ng 44-anyos na si Jones ang tanging boksingero na nagsimula bilang middleweight at nanalo ng heavyweight title matapos talunin si John Ruiz para sa WBA belt noong 2003.

“Pacquiao is definitely the better fighter and boxer but you can’t count a fighter out,” dagdag pa ni Jones.

Si Jones, isa ring dating super mid­dleweight champion, ay naghahanda sa kanyang comeback fight sa Disyembre laban kay da­ting cruiserweight conten­der Bobby Gunn.

vuukle comment

BOBBY GUNN

BRANDON RIOS

COTAI ARENA

JOHN RUIZ

JONES

JUAN MANUEL MARQUEZ

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with