^

PSN Palaro

Heat muling nagliyab, dumiretso sa 5

Pilipino Star Ngayon

ORLANDO--Kinuha ng Miami Heat ang ikalimang sunod na panalo matapos ang 21 puntos ni LeBron James at 18 kay Chris Bosh para sa 120-92 panalo sa Magic noong Miyerkules sa NBA.

May pitong assists pa si James habang si James Jones ay naghatid ng 14 sa kanyang 17 puntos sa ikatlong yugto para iwan na ng tuluyan ang Magic.

Nanalo ang Heat kahit patuloy na hindi nakakapag­laro si Dwayne Wade na ipinahihinga ang kanyang mga tuhod.

Sa New York, gumawa ng  35 puntos si Paul George kasama ang mga mahahalagang baskets sa regulation at overtime at ang Indiana Pacers ay agad na bumangon matapos lasapin ang unang kabiguan sa season sa bisa ng 103-96 panalo sa New York Knicks.

Ipinasok ni George ang tatlong free throws sa huling 5.2 segundo para maipuwersa ang overtime.

Siyam na puntos pa ang ibinagsak niya sa limang minutong extention para ipatikim sa Knicks ang ikaanim na pagkatalo sa homecourt.

Sa Dallas, gumawa ng 37 puntos si Monta Ellis at ang kanyang assist ang nagresulta sa go-ahead basket para kunin ng Dallas ang 123-120 panalo sa Houston Rockets.

Naispatan ni Ellis ang libreng si Shawn Marion na pumukol ng 3-pointer sa huling 47 segundo.

Naghatid pa si Dirk Nowitzki ng 35 para sa Mavericks upang maalpasan na si Reggie Miller sa 15th puwesto sa NBA scoring list.

May 25,298 puntos na si Nowitzki at lamang na siya ng 18 puntos kay Miller.

Sa iba pang laro, kinuha ng Portland Trail Blazers ang ikawalong sunod na panalo sa Milwaukee Bucks, 91-82; ang San Antonio Spurs ay nangibabaw sa Boston Celtics, 104-93; ang Washington Wizards ay lumusot sa Cleveland Cavaliers, 98-91; ang Atlanta Hawks ay nagdomina sa Detriot Pistons, 93-85; ang L.A. Clippers ay nanalo sa Minnesota Timberwolves, 102-98 at dinurog ng New Orleans Pelicans ang Utah Jazz; 105-98.

vuukle comment

ATLANTA HAWKS

BOSTON CELTICS

CHRIS BOSH

CLEVELAND CAVALIERS

DETRIOT PISTONS

DIRK NOWITZKI

DWAYNE WADE

HOUSTON ROCKETS

INDIANA PACERS

JAMES JONES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with