^

PSN Palaro

PBA Opening patok sa takilya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling napatunayan na ang Philippine Basketball Association (PBA) pa rin ang tunay na tinatangkilik na liga sa bansa matapos gumawa ng record audience na 30,000 fans sa simultaneous games sa pagbubukas ng 2014 PLDT myDSL PBA Philippine Cup noong Linggo.

Ang mga laro ay ginawa sa Manila, Cebu at Davao na una sa makulay na kasaysayan ng kauna-unahang propesyonal na liga sa basketball sa Asya.

Ang SMART-Araneta Coliseum ang siyang pinagdausan ng laro sa  Manila ay humakot ng 20,298 panatiko ang larong kinatampukan ng Barangay Ginebra at San Mig Coffee. Nanalo ang Gin Kings sa Mixers, 86-69.

Nasa pitong libo naman ang nanood sa laro sa Davao na Rain or Shine at Alaska Aces habang tatlong libo ang sumaksi sa tagisan ng Talk ‘N Text at Meralco Bolts sa Cebu.

Kahit sa pagsasaere sa telebisyon gamit ang TV5 ay gumawa rin ng marka ang mga laro ng Gin Kings at Mixers dahil tinalo ng nasabing network ang ABS-CBN at GMA  sa audience share.

Ayon sa Nielsen Media’s overnight Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM) data, ang TV5 na may 25.4% audience share, kasama ang 28.7% nang nasa fourth period, ay umani ng 29.6% sa nationwide urban kum­para sa 28% ng ABS-CBN at 25.3% ng GMA.

ALASKA ACES

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

CEBU

DAVAO

GIN KINGS

MERALCO BOLTS

N TEXT

NATIONWIDE URBAN TELEVISION AUDIENCE MEASUREMENT

NIELSEN MEDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with