^

PSN Palaro

Hibbert nagbida sa 9-dikit na panalo ng Indiana

Pilipino Star Ngayon

INDIANAPOLIS--Tumapos ng 24 puntos si Roy Hibbert bukod sa 8 blocks, na parehong season-highs, para pangunahan ang Indiana Pacers sa 104-77 panalo sa Milwaukee noong Biyernes sa NBA.

Ang Pacers ang kauna-unahang koponan matapos ang  Dallas Mavericks noong 2002-03 na nakapagtala ng 9-0 karta sa pagbubukas ng NBA season.

Hindi naman nagsolo si Hibbert dahil gumawa rin ng 22 puntos si Paul George, 10 sa ikatlong yugto, habang si Lance Stephenson ay  may 11 pa.

Bumaba ang Bucks sa 2-6 na kulang ng apat na manlalaro dahil sa injuries at si O.J. Mayo ay may 20 puntos para pamunuan ang koponan.

Gumawa naman ng 39 puntos si LeBron James habang may 17 puntos, 8 assists at career-best 8 steals si Dwayne Wade tungo sa 110-104 tagumpay ng Miami Heat sa Dallas Mavericks.

Sinandalan naman ng Brooklyn Nets ang magandang laro ni Joe Johnson para lusutan ang Phoenix Suns, 100-98, sa overtime.

Sa iba pang resulta, nanalo ang Portland sa Boston, 109-96; ang Bobcats sa Cavaliers, 86-80; ang Grizzlies sa Los Angeles Lakers, 89-86; ang Denver sa  Minnesota, 117-113;  ang Detriot sa Sacramento, 97-90; ang San Antonio sa Utah, 91-82; at  Atlanta sa Philadelphia, 113-103.

 

ANG PACERS

BROOKLYN NETS

DALLAS MAVERICKS

DWAYNE WADE

INDIANA PACERS

JOE JOHNSON

LANCE STEPHENSON

LOS ANGELES LAKERS

MIAMI HEAT

PAUL GEORGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with