^

PSN Palaro

45-pts. ni Anthony lusaw sa Rockets

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK--Bumalik na si James Harden sa Houston habang si Je­remy Lin ay tumapak uli sa Madison Square Garden.

Ang dalawang pangyaya­ring ito ay sapat na para maisantabi ang mainit na paglalaro ni Carmelo Anthony sa 109-106 panalo ng dumayong Rockets.

May 36 puntos si Harden sa pagbabalik mula sa pagliban sa huling laro habang si Lin ay mayroong 21 puntos at ang Rockets ay nanalo sa Knicks sa ikala­wang sunod na pagkikita.

May 22 puntos pa si Chandler Parsons upang punuan ang mahinang pitong puntos lamang ni Dwight Howard.

“Jeremy stepped up, James played big and that’s what we need,”  wika ni Howard na humab­lot naman ng 15 rebounds at may dalawang free throws na nagbigay sa Houston ng limang puntos na  kalamangan sa huling 75 segundo ng labanan.

Si An­thony ay nagtala ng 45 puntos bukod pa sa 10 rebounds pero kinulang ito para lasapin ng Knicks ang ikaapat na sunod na pag­katalo sa ho­me court.

Si Harden ay nagbalik matapos lumiban sa 123-117 overtime na pagkatalo sa Philadelphia noong Miyerkules dahil sa bruised left foot.

Kinatampukan ni Har­den ang mainit na pagbuslo sa pamamagitan ng pagsablay sa da­lawa lamang sa 18 buslo sa 15-foot line.

vuukle comment

BUMALIK

CARMELO ANTHONY

CHANDLER PARSONS

DWIGHT HOWARD

JAMES HARDEN

MADISON SQUARE GARDEN

SHY

SI AN

SI HARDEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with