Smart suportado ang 1st Shakey’s All Star Weekend
MANILA, Philippines - Susuportahan ng Smart Communications, isang matagal nang backer ng Philippine sports, ang kauna-unahang Shakey’s All Star Weekend, pinaÂlakas ng Smart, sa Sabado at Linggo na isang two-day volley festival na magtatampok sa mga pinakamahuhusay na players bukod pa sa pagdaraos ng clinics at skills competitions para sa mga fans.
Ang event ay magsisilbi ring fund-raiser para sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’.
“Smart is one with the country in its drive to help our countrymen severely affected by typhoon Yolanda. Through the All Star Weekend, it is our hope to raise as much support to bring assistance and hope to the victims of this traÂgedy,†sabi ni Charles Li, ang executive vice president at head ng Smart Communications ConsuÂmer Wireless Business.
“Just like in any sports competitions, together as one team, one country-- we shall rise again and win,†dagdag pa nito.
Walo sa 10 players na ibinoto bilang pinaka-poÂpular sa unang 10 taon ng liga ay makikita sa aksyon sa event na nakatakda sa Nobyembre 16 at 17 sa tahanan ng Shakey’s V-League sa The Arena sa San Juan.
Ang mga tiket para sa November 16 event ay P50 (free seating) at mabibili sa The Arena gates simula sa alas-7 ng umaga, habang ang mga tiket para sa Nobyembre 17 ay P350 (ringside), P250 (lower box) at P100 (upper box) at P300, P200 at P50, ayon sa pagkakasunod, sa hapong aktibidad.
- Latest
- Trending