^

PSN Palaro

Superliga Grand Prix Americans duo bumandera sa panalo ng PLDT belles

AT - Pang-masa

Laro Bukas

(The Arena, San Juan)

2 pm  Cagayan vs TMS (W)

4 pm  Cignal vs Petron (W)

6 pm Systema

 vs Maybank (M)

 

MANILA, Philippines - Pinakitaan ng  mga US imports na sina Savannah Noyes at Kaylee Manns ang mga katapat sa ibang koponan nang pamunuan ang 25-19, 21-25, 25-21, 25-14, panalo ng PLDT sa Cignal sa pagpapatuloy kahapon ng Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix women’s division sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang 6’1 na si Noyes ay may 16 puntos, tampok ang 11 kills at apat na blocks, habang si Manns na tulad ng katambal ay naglaro sa NCAA Division I, ay tumapos taglay ang 11 puntos.

Ang matikas na laro ng dalawang guest players ay nagpataas sa morale ng mga locals at sina Sue Rocas at Lou Ann Latigay ay gumawa ng 14 at 11 hits.

“Hindi tulad marahil sa ibang teams, wala kaming problema sa communication sa aming mga guest players. Madali rin sila nakapag-jell sa mga locals at ito ang advantage namin,” wika ni Speed Boosters coach Roger Gorayeb.

Napantayan ng PLDT ang 1-0 baraha ng Caga­yan Valley sa anim na koponang liga na inorganisa ng Sports Core at may basbas ng International Volleyball Federation na may ayuda rin ng Asics, Mikasa, LGR, Jinling Sports at Solar Sports bilang TV partner.

Ang mga Chinese imports ng HD Spikers na sina Li Zhangzhan at Xie Lei ay gumawa ng 17 at 15 hits pero  hindi nila natapatan ang mainit na paglalaro ng mga katapat sa ikatlo at apat na yugto para lasapin ang unang pagkatalo.

Bumangon naman ang nagdedepensang kampeon TMS-Philippine Army mula sa pagkatalo sa first set tungo sa 19-25, 25-15, 25-21, 25-16, panalo sa baguhang RC Cola sa ikalawang laro.

May 16 puntos si Jovelyn Gonzaga para sa Lady Troopers na ginamit ang kanilang karanasan para walisin ang huling tatlong set at sumalo sa liderato sa liga.

Ang Chinese import na si Zhang Minghua ay may 16 hits para sa RC Cola na hindi napangatawanan ang 16-14 bentahe sa third set upang manlumo ang kumpiyansa at makasalo ng Petron at Cignal sa 0-1 baraha.

vuukle comment

ANG CHINESE

CIGNAL

DIVISION I

GRAND PRIX

INTERNATIONAL VOLLEYBALL FEDERATION

JINLING SPORTS

JOVELYN GONZAGA

KAYLEE MANNS

LADY TROOPERS

LARO BUKAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with