Mella kumpiyansa sa Pinoy jins sa Myanmar SEA Games
MANILA, Philippines - Nakikita ni national coach Igor Mella na madudugtungan ng poomsae team ang paghatid ng ginto sa tuwing lumalaban sa Southeast Asian Games.
Mataas ang kumpiyansa ni Mella matapos humakot ang mga poomsae jins ng tatlong ginto, dalawang pilak at isang bronze meÂdals sa 8th World Poomsae Championships sa Bali, Indonesia.
“Galing kami sa World championships at 50 counÂtries ang kasali rito at parang Olympics ito ng poomsae. Ang World championships ang tune-up natin para sa SEA GaÂmes kaya maganda talaga ang chance natin na manalo sa Myanmar,†wika ni Mella na dumalo sa PSA Forum kahapon sa Shakey’s Malate.
Limang events ang pagÂlalabanan sa poomsae sa Myanmar at ito ay sa individual male at female, mixed pair at male at female team events. Pero ang isang bansa ay puweÂdeng sumali sa tatlong events lamang.
May apat na ginto ang taekwondo noong 2011 PaÂlembang SEA Games at isa rito ay sa poomsae sa women’s team na binuo nina Janice Lagman, Rani Ortega at Camille Alarilla.
Sina Lagman at Ortega ay babalik sa delegasyon pero si Alarilla ay wala na at papalitan ni Mikaela Calamba na nanalo ng dalawang ginto sa World event.
Kung pagbabasehan ang kinalabasan ng World championships, ang Vietnam ang paborito matapos kunin ang ikalawang puwesto sa Pilipinas dahil angat sila ng isang pilak.
Ang Thailand at Indonesia na tumapos sa top ten ay lalaban din habang ang host Myanmar na itinatago ang paghahanda sa SEAG ay lalaban ng sabayan.
- Latest