^

PSN Palaro

Hobe Bihon pakay ang liderato sa Group A

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

Marikina Sports Center

7p.m.  Hobe Bihon vs Arquitectos Construction

8:30p.m. FEU-NRMF

vs Galing MHS

 

MANILA, Philippines - Balak ngayon ng nagdedepensang kampeon Hobe Bihon na masungkit ang unang puwesto sa Group A sa pagharap sa Arquitectos Construction sa pagtatapos ng eliminasyon sa 3rd DELeague Kap. Rudy Francisco Cup ngayong gabi sa Marikina Sports Center.

Ang laro ay itinakda sa ganap na alas-7 ng ga­bi at sakaling magwagi ang Hobe Bihon ay makakasalo sila sa PLAntipolo at ACS Team na parehong may 3-1 baraha.

Gagamitan ng quotient system para basagin ang pagkakatabla bago isagawa ang double playoff para malaman kung sino ang magiging number one team sa grupo.

Mahalaga ang malagay sa unang puwesto sa dalawang pangkat dahil ito ay diretso ng aabante sa semifinals.

Ang Hobe Bihon ang magkakaroon ng pinakamataas na quotient upang iwanan ang PLAntipolo at ACS Team sa unang playoff. Ang mananalo rito ang makakalaban ng nagdedepensang kampeon para sa awtomatikong puwesto sa Final Four.

Sakaling matalo ang Hobe Bihon, ang PLAntipolo at ACS Team ang maglalaban sa number one seeding sa Linggo.

Ang Sta. Lucia ang pasok  na sa semis sa Group B taglay ang 5-0 kartada sa ligang itinataguyod ni Marikina Mayor Del de Guzman at sinusuportahan ng Philippine Business Bank-Marikina Branch, Hotel Sogo, Josiah Catering Inc. at St. Anthony Medical Center Marikina Inc.

Ang ikalawang laro dakong alas-8:30 ng gabi ay sa pagitan ng FEU-NRMP at Galing MHS.

vuukle comment

ANG HOBE BIHON

ANG STA

ARQUITECTOS CONSTRUCTION

FINAL FOUR

GROUP A

GROUP B

HOBE BIHON

HOTEL SOGO

JOSIAH CATERING INC

MARIKINA SPORTS CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with