^

PSN Palaro

Air Asia-Zest pasok sa PSL Grand Prix

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itatampok sa ikalawang season ng volleyball club league na Philippine SuperLiga ang bagong mi­yembrong Air Asia-Zest.

Magbabalik naman ang limang koponan, kasama ang PSL Invitationals champion TMS-Army,  para sa PSL Grand Prix 2013 sa Nobyembre 10 sa The Arena sa  San Juan.

Maliban sa TMS-Army at Air Asia-Zest, maghahangad din sa korona ng event na magtatapos sa Disyembre 15 ang PLDT, Cignal, Petron at Cagayan Valley.

Hindi nagsali ng koponan ang Bingo Milyonaryo, naging bahagi ng unang season ng PSL.

Ang Grand Prix na may temang ‘Elevating the Game’ ay magtatampok sa mga A-list international players.

Ang mga international players ay nakapaglaro na sa mga FIVB (International Volleyball Federation) tournaments.

Ang mga players mula sa United States, China, Japan at Thailand ang mag­papatibay sa anim na koponan, ngunit sinabi ng nag-oorganisang SportsCore at PSL President na si Ramon ‘Tats’ Suzara na nakikipag-usap pa sila sa ilan pang international players.

Ang mga koponan ay binubuo ng mga players na nakatapos na ng kanilang mga collegiate years, habang ang mga atletang naglaro sa National team at mga gustong maging miyembro ng National pool ay pinipili ng mga coach.

Itatampok din sa Grand Prix ang isang parallel tournament para sa male pla­yers.

vuukle comment

AIR ASIA-ZEST

ANG GRAND PRIX

BINGO MILYONARYO

CAGAYAN VALLEY

ELEVATING THE GAME

GRAND PRIX

INTERNATIONAL VOLLEYBALL FEDERATION

ITATAMPOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with