^

PSN Palaro

Segismundo maraming plano sa PBA

NBeltran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang iluluklok ng PBA board of governors ang bagong chairman na si Ramon Segismundo ng Meralco sa kanilang gagawing annual planning session simula ngayon sa Sydney, Australia.

Si Segismundo bukod sa iba pang board members kasama sina outgoing chairman Robert Non ng Barangay Ginebra ay PBA commissioner Chito Salud ay nakatakdang umalis kagabi.

Kumpiyansa ang board na matutumbasan ng lide­rato ni Segismundo -- isang eksperto sa human resources -- ang nagawa ng pamamahala ni Non.

“It’s going to be a very exciting year. We’ll continue if not surpass what we have achieved,” sabi ni Segismundo.

“Our theme will be ‘One PBA, One Philippines.’ We’ll try to forge a united basketball nation built around the PBA and built around a synergy among the PBA, Gilas Pilipinas and SBP especially as we go to Barcelona and Seoul in 2014,” ani Segismundo na nangako ng suporta para sa Team Phl na lalahok sa 2014 World Cup at sa Asian Games.

Tiniyak din ng bagong PBA chairman na gagawa siya ng mga bagay na mag­papatuloy sa tagum­pay ng PBA sa linya ng gate attendance at fans satisfaction.

“We’ll put in innovative programs. To start, we’re holding games in Manila, Cebu and Davao on ope­ning day in line with the ‘One Philippines’ theme. For the 25th All-Stars, we’ll do something that has not been done before. It would be unprecedented,” sabi ni Segismundo.

Plano rin ni Segismundo, nasa kanyang ikatlong taon sa PBA, na dagdagan ang bilang ng mga PBA teams.

ASIAN GAMES

BARANGAY GINEBRA

BARCELONA AND SEOUL

CEBU AND DAVAO

CHITO SALUD

GILAS PILIPINAS

ONE PHILIPPINES

PBA

RAMON SEGISMUNDO

SEGISMUNDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with