^

PSN Palaro

Shakey’s girls volley NCR elims HCHS bubuksan ang kampanya vs Miriam College

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bubuksan ng nagdedepensang kampeon na Hope Christian High School ang kampanya sa NCR elimination ng Shakey’s Girls Volleyball  League laban sa Miriam College ngayon sa Ninoy Aquino Stadium.

Sa ganap na alas-3 ng hapon ang laban at pangalawa sa apat na laro ito sa ligang inorganisa ng Metro Sports ka­tuwang ang Shakey’s.

Unang laro sa ganap na alas-2 ng ha­pon ay sa hanay ng National University at UST, habang ang iba pang magpapanagupa ay ang De La Salle Zobel at Kings Montessori dakong alas-4 at St. Scholastica’s College at  Angelicum sa alas-5.

Ang Jubilee Christian High School at MGC New Life Christian Academy ay pahinga sa unang araw ng torneo.

Si Shakey’s President at CEO Vic  Gre­gorio ang mangunguna sa mga bisita sa opening ceremonies sa ganap ng ala-1 ng hapon.

Walong regional champions ang aabante sa Tournament of Champions sa Enero 13 hanggang 17 sa NAS.

Makakasama ng mga local teams ang dalawang dayuhang koponan na mula Australia at New Zealand.

Ang mga nakakuha na ng puwesto sa T-of-C ay ang University of San Jose Recolletos, Central University Philippines, Leyte National High School at Angeles University Foundation.

 Ang mga nagtataguyod sa palaro ay ang Mikasa, Asics, Tune Hotel, Burlington, Bio Fresh, at Science Magazine.

ANG JUBILEE CHRISTIAN HIGH SCHOOL

ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION

BIO FRESH

CENTRAL UNIVERSITY PHILIPPINES

DE LA SALLE ZOBEL

GIRLS VOLLEYBALL

HOPE CHRISTIAN HIGH SCHOOL

KINGS MONTESSORI

LEYTE NATIONAL HIGH SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with