Lions nilapa ang chiefs
MANILA, Philippines - Maagang iniwanan ng San Beda ang Arellano para sa madaling 78-62 panalo sa pagtatapos ng 89th NCAA men’s basketball elimination round kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Binulaga ng Lions ang Chiefs gamit ang 11-0 paniÂmula at mula rito ay hindi na nilingon pa ang katunggali para tapusin ang kampanya tangan ang 15-3 baraha at hawakan ang number one spot papasok sa Final Four.
Ang Letran na nanaÂnaÂlangin na matalo ang Lions para magkaroon ng playoff para sa unang puwesto ay nalagay sa number two slot sa 14-4.
Ang Lions at Knights ay pareho namang may twice-to-beat advantage sa alin mang Perpetual Help o San Sebastian na maghaharap sa Martes para malaman ang pinal na puwesto sa standings. Ang dalawa ay magkasalo sa 11-7 baraha.
Naunang pinasaya ng Red Cubs ang panatiko ng San Beda matapos hiritan ang Braves ng 96-56 panalo sa juniors division para makumpleto ang 18-0 sweep.
Dahil dito, ang Cubs ay umabante na sa Finals at hihintayin ang lalabas sa step ladder semifinals.
Tinalo ng Mapua Red Robins ang Emilio Aguinaldo College Brigadiers, 90-67, upang angkinin ang ikaapat na puwesto sa 12-6 baraha.
Binigyan naman ng GeÂnerals ang sarili ng magandang pagtatapos sa kinapos na kampanya sa Final Four nang kunin ang 82-76 panalo sa Mapua sa unang laro sa seniors.
Ang panalo ay ika-10 sa 18 laro ng Generals at bagamat ito na ang pinaÂkamagandang karta ng koponan sa liga, kinapos naman sila ng isang panalo para sana makahirit ng playoff para sa huling upuan sa semifinals. (AT)
- Latest