Diretsong 3 sa Sta. Lucia sa DELeague
Laro Ngayon
(Marikina Sports Center)
7p.m.- FEU-NRMF vs Sta Lucia East Grand Mall 8:30p.m.-Skyforce Team
vs JSM-KTM
MANILA, Philippines - Kinuha ng Sta. Lucia East Grand Mall ang ikatlong sunod na panalo sa 89-83 pananaig sa JSM-KTM sa pagpapatuloy noÂong Huwebes ng 3rd DELeague Kap. Rudy Francisco Cup sa Marikina Sports Center.
May 17 puntos at 9 rebounds si Bryant Warnest para pangunahan ng Sta. Lucia ang Group B.
Nais ng koponan na bawiin ang titulong pinagwagian sa unang taon ng liga pero naisuko noong nakaraang taon sa Hobe Bihon.
Nasayang ang 30 puntos ni Ronald Roy para sa JSM-KTM para sa ikalaÂwang kabiguan matapos ang tatlong laro.
Gumawa naman ng tig-13 puntos sina Marvin Hayes at Aris Gumabay para pamunuan ang FEU-NRMF sa 82-75 panalo sa Galing MHS.
Ikalawang sunod na taÂgumpay ito ng FEU-NRMF para pumangalawa sa Sta. Lucia sa ligang suportado ng Philippine Business Bank-Marikina Branch, Hotel Sogo, Josiah Catering Inc.,St. Anthony Medical Center Marikina Inc., PCA Marivalley, Mared Rubber and Marketing Corp.,The Playground Premium Outlet Store, Luyong Panciteria, Mckie’s Construction Equiptment Sales and Rentals, Tutor 911, Azucar Boulangerie and Patisserie, Maic’s Gym, Mylene’s Ensaymada BaÂnana cake, Pancit ng taga Malabon, at Villaronar Resort.
- Latest