^

PSN Palaro

Heat asam ang ika-4 na sunod na biyahe sa Finals

Pilipino Star Ngayon

MIAMI--Matapos makapasok sa NBA Finals sa nakaraang tatlong taon na nagbunga ng dalawang sunod na korona, aasamin ng Miami Heat na maduplika ang nagawa ng Boston Celtics at ng Los Angeles Lakers.

Susubukan ng Heat na mapantayan ang tatlong dikit na kampeonato na kinuha ng Celtics noong 1957-66 at noong 1984-87 at ng Lakers noong 1982-85.

“It would mean everything, man,” sabi ni Heat forward LeBron James. “First of all, it means that I’m doing my part and I’m helping our team get better. It would mean everything to our team. That’s what we’re here for. We work our tails off every day. If it can pay off with another Finals appearance, we’d represent the Eastern Conference the best way we can.”

Dalawang beses nag­laro sa Game 7 ng NBA Playoffs ang Miami.

Tinalo nila ang Indiana sa Game 7 sa East finals at tinakasan ang San Antonio sa Game 7 ng NBA Finals.

Ang three-point shot ni Ray Allen ang nagligtas sa Heat sa Game 6 kontra sa Spurs.

Bago ito ay nagtayo ang Heat ng isang 27-game winning streak sa regular season na ikalawang pinakamahaba sa NBA history.

“This has been a very competitive camp,” wika ni Heat coach Erik Spoelstra. “Guys are in here, working, every single day.”

Samantala, sa Los Ange­les, umiskor si Jordan Farmar ng 13 sa kanyang 20 points sa loob ng 3:17 minuto sa fourth quarter para igiya ang Los Angeles Lakers sa 108-94 preseason victory kontra sa Utah Jazz.

Tinapos ng Los Angeles (3-4) ang laro sa likod ng isang 11-0 run laban sa Jazz (1-5).

Sa iba pang resulta, pinataob ng Indiana Pacers ang Atlanta Hawks, 107-89; ginapi ng Detroit Pistons ang Washington Wizards, 99-96; pinayuko ng San Antonio Spurs ang Orlando Magic sa iskor na 123-101 at pinagulong ng Pheonix Suns ang Oklahoma City Thunder, 88-76.

ATLANTA HAWKS

BOSTON CELTICS

DETROIT PISTONS

EASTERN CONFERENCE

ERIK SPOELSTRA

INDIANA PACERS

JORDAN FARMAR

LOS ANGE

LOS ANGELES LAKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with