37th National Milo Marathon Donos, Unabia inangkin ang General Santos leg
MANILA, Philippines - Nakita ang lakas ng dating Milo Marathon Queen Flordeliza Donos sa General Santos City regional qualifying kahapon upang makabalik siya sa National Finals sa Disyembre.
Kasapi ng Philippine Air Force, si Donos ay naorasan ng 1:26:51 sa 21-kilometer karera para talunin sina MonaÂliza Ambasa (1:31:39) at Cellie Rose Jaro (1:32:02).
Ito ang ikalimang pagkakataon na tatakbo si Donos sa Finals na kailangan pang makakuha ng go-signal sa nakatataas sa PAF para matuloy ang pagsali sa Disyembre.
Si Arnold Unabia ang siyang nagdomina sa kalalakihan para mag-qualify din sa Finals na gagawin sa Mall of Asia Grounds.
May winning time si Unabia ng 1:14:48 at pinalad siya na nakaremate pa kay Gilbert Maluyo na kanyang tinalo ng isang hakbang (1:14:49).
Ito ang lalabas na ikawalong pagkakataon ni Unabia na makasali sa National Finals at nananalig siya na sa pagkakataong ito ay mapasama na siya sa mga bigaÂting runners na tatapos sa unang tatlong puwesto.
Nasa 7,060 ang runners na sumali sa karera na kinatampukan din ng pamimigay ng 500 pares ng running shoes sa limang napiling paaralan sa Tuna Capital ng Pilipinas.
Magpapatuloy ang qualifying race sa Nobyembre 3 sa Baguio City bago tumungo sa Dagupan sa Nobyembre 10, sa Tarlac sa Nobyembre 17 at AngeÂles sa Nobyembre 24.
Ang 37th National Finals ay susulong sa DisÂyembre 8 at ang mga Filipino champions ay ipadadala sa 2014 Paris Marathon.
- Latest
- Trending