Fr. Rendon idineklarang tagumpay ang hosting sa UAAP Season 76
MANILA, Philippines - Idineklara ni Fr. Maximino Rendon, C.M., pangulo ng Adamson at ng UAAP na tagumpay ang liga matapos ang first semester games.
Ito ay sa kabila ng mga kontrobersyang hinarap sa basketball at swimming dahil sa ipinairal na bagong alituntunin na two-year residency sa mga manlalarong lilipat ng paaralan.
“Season 76 was very successful despite the problems we encountered along the way. This we credit to the enormous support of students, alumni and fans to their respective schools,†wika ni Rendon.
Tema ng liga sa taon ang “Greatness Never Ends†at tunay na walang katapusan ang husay ng kanilang atleta lalo na sa idinaos na men’s basketball at Cheerdance competition.
Gumawa ng record crowd sa dalawang events na ito nang umabot sa 20,830 ang nanood sa Cheerdance na pinagwagian sa unang pagkakataon ng National University.
Ang bilang ay tumabon sa 20,686 tao na nanood noong nakaraang taon.
Nagpista nang husto ang liga sa men’s basketball Finals sa pagitan ng La Salle at UST.
Ang Games One at Two sa Smart Araneta Coliseum ay humakot ng 20,525 at 23,037. Sa deciding Game three, ito ay umabot sa 23,696 sa Mall of Asia Arena na siya ring pinagganapan ng Cheerdance.
- Latest
- Trending