^

PSN Palaro

Iuwi ng Pinoy athletes sa Myanmar SEAG 35 hanggang 40 golds kaya--Garcia

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Habang lumalapit ang Myanmar SEA Games ay nagbabago na rin ang paniniwala ng mga sports officials sa kahihinatnan ng kampanya ng Pambansang atleta.

Kung sa unang mga bu­wan ay sinasabing na­memeligro ang laban ng bansa at posibleng dumanas ng pinakamasamang pagtatapos ang ipadadalang atleta, ngayon ay may liwanag na nakikita si PSC chairman Ricardo Garcia.

“It will be better than that,” ani Garcia matapos tanungin kung nananatili ba ang paniniwalang mahirap abutin ang medalyang napanalunan ng bansa noong 2011 sa magaganap na labanan sa Disyembre.

Tumaas ang kumpiyansa ng PSC matapos pag-aralan ang listahan at ang kanilang mga  ipinakikita sa pagsasanay at iba pang torneong nilahukan kumpara sa mga posibleng makakalaban.

“Our prospective golds, sa nakita na, almost sure is 25 gold medals. Outside of that, may iba pa na may dagdag dito, dagdag doon. So we’re looking at the prospect of winning 35 to 40 gold medals,” dagdag nito.

 â€œWe look at taekwondo, we look at wushu, these are the athletes we have been sending abroad. Wushu is confident of winning five or even more. Even our weightlifters and sailing is also confident. So there is a big possibility of winning more gold medals now that last edition,” pahabol pa ng PSC chairman.

Umabot sa 36 ginto, 56 pilak at 77 bronze medals ang naiuwi sa Indonesia na binuo ng 512 atleta at 652 bilang ng delegasyon na naglaro sa 39 sports at tumapos sa pang-anim na puwesto.

Sa Myanmar ay sa 26 sports lamang sasali ang bansa at nasa 208 lamang ang atleta habang ang kabuuang bilang ng de­legasyon ay inaasahang nasa 300 lamang.

Kung makuha ang target na 40 gold medals, titibay ang paniniwala ng PSC na hindi sa paramihan ng atleta kungdi sa pagpapadala ng quality athletes magtatagumpay ang bansa sa malakihang torneo.

“We will have a very lean number and that is going to make our allegation that if you send your best players, you will win the same or even more medals than sending 500 to 600 athletes. Numbers is not going to increase our medals, it’s the quality of athletes,” paliwanag pa ni Garcia.

 

vuukle comment

DISYEMBRE

GARCIA

HABANG

MEDALS

MYANMAR

PAMBANSANG

RICARDO GARCIA

SA MYANMAR

TUMAAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with