Tsai ikatlong miyembro ng Team Asia na lalaro sa Queen’s Cup
MANILA, Philippines - Napili ang TaiwaÂneÂse lady cue-artist na si Penny Tsai bilang isa sa apat na maglalaro para sa Team Asia sa gaganaping Queen’s Cup sa Resorts World mula Nobyembre 5 hanggang 7.
Si Tsai na silver medaÂlist sa World 10-Ball Challenge, ang ikatlong kasapi sa Team Asia kasunod nina team captain Ga Young Kim ng Korea at Filipina bet Rubilen Amit.
Ipinagpasalamat ni Tsai ang pagkakapili sa kanya dahil lalabas na isa siya sa apat na mahuhusay na lady cue-artist sa Asia.
Hindi naman bago kay Tsai ang magtungo sa Pilipinas dahil isa siya sa mga dayuhang pool players na nasa pangangalaga ng Bugsy Promotions na pag-aari ni Perry Mariano.
“I feel so honored that I have been chosen to play in the Queen’s Cup and represent Asia,†wika ni Tsai.
Isa pang manlalaro ang papangalanan para makumpleto ang koponan na susukatin ang husay ng Euro-USA Team.
Tatlong manlalaro na rin ang napili sa Euro-USA Team at ito ay sina Kelly Fisher ng England bilang team skipper, Jasmin Ouschan ng Austria at bagong mukha na si Vivian Villareal ng US.
Labanan sa 10-ball ang gagawin at ang tagisan ay sa singles, doubles, triples at 4-on-4 at ang koponang mauunang makakuha ng 10 panalo ang siyang kikilalaning kampeon ng torneo.
- Latest