^

PSN Palaro

Jarencio tanggap ang magiging kapalaran sa UST

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Manalo o matalo ay ta­tanggapin  ni coach Alfredo Jarencio ang anumang de­sisyon sa kung magpapatuloy ba siya o hindi bilang mentor ng UST.

Taun-taon ay nire-renew  ang kontrata ni Jarencio sa paaralan pero hindi pa batid kung mananatili ba siya o hindi matapos aminin na marami ang nagduda sa kanyang pagdiskarte noong nakumpleto ng Tigers ang 2-0 sweep sa NU sa Final Four.

“Ako lagi naman ako muntik-muntikan na, kahit umabot ka sa champion­ship. Alam mo naman sa trabaho natin, marami ang nag-aabang diyan at tutu­hugin ka na lang,” wika ni Jarencio.

Sa halip na isipin ang bagay na ito ay mas ma­gandang ituon na lamang ang focus sa magaganap na Game Three bukas sa pagitan ng UST at La Salle.

“Vindicated naman na ako. Kung ‘di na nila ako gusto, walang problema sa akin, lagi naman ako open,” dagdag ni Jarencio.

Ang mananalo sa laro bukas sa Mall of Asia sa Pasay City ang siyang kiki­lalaning kampeon sa 76th UAAP men’s basketball.

Kung sakaling palarin ang UST, ito ang kanilang unang titulo matapos ang 2006 season na kung saan si Jarencio ay isang rookie coach.

Lalabas din ang Tigers bilang kauna-unahang number four seed na nagkampeon sapul nang ipairal sa liga ang Final Four.

Ang bagay na ito ay ma­giging memorable ‘di lamang paaralan kundi pati sa liga lalo na kung sa­kaling hindi na pabalikin si Jarencio sa Season 70.

 

ALAM

ALFREDO JARENCIO

FINAL FOUR

GAME THREE

JARENCIO

LA SALLE

MALL OF ASIA

PASAY CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with