Pacers, Rockets mag-uupakan
Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
7 p.m. Houston Rockets vs Indiana Pacers
MANILA, Philippines - Ito na ang pinakahihintay ng mga Filipino basketball fans.
Maghaharap ang IndiaÂna Pacers at ang Houston Rockets ngayong alas-7 ng gabi para sa NBA Global Games 2013 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Bago ang laro ay paÂpagitna muna si NBA Commissioner David Stern para sa kanyang mensahe sa mga basketball fanatics.
Mula nang dumating sa bansa noong Lunes ng umaga ay wala nang tigil sa pag-eensayo ang Pacers ni coach Frank Vogel at ang Rockets ni mentor Kevin McHale.
Bagamat isang pre-season game, tiniyak ni Vogel na ituturing nila itong isang regular game.
“Definitely we’ll go out there to show the fans what Pacers basketball is all about,†wika ni Vogel, inihatid ang Pacers sa nakaraang NBA Eastern ConfeÂrence Finals kung saan sila natalo sa nagkampeong Miami Heat.
“We will give a full-hearÂted effort, that’s for sure,†sabi naman ni McHale, nakatuwang nina Larry Bird at Robert Parish sa paggiya sa Boston Celtics sa tatlong NBA championships noong 1980’s.
Ipaparada ng Indiana sina All-stars Paul George, Roy Hibbert, Danny GranÂger, David West, Luis ScoÂla, George Hill at Lance Stephenson.
Itatampok naman ng Rockets ang kanilang ba-gong hugot na sentrong si Dwight Howard na makakatuwang nina James Harden, Chandler Parsons, Asian sensation Jeremy Lin at Omer Asik.
Inaasahang magrarambulan sa shaded lane ang 6-foot-11 na si Howard at ang 7’2 na si Hibbert.
Kahapon ay nakibahagi si Vogel at ang Indiana sa “NBA Cares†kasama ang mga Special Olympics athletes.
- Latest






















