^

PSN Palaro

Cagayan iiwas madungisan vs Army

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. PNP vs Air Force

4 p.m.  Cagayan vs Army

6 p.m. Meralco vs Smart-Maynilad
 

MANILA, Philippines - Magkaroon ng mga momentum papasok sa Final Four ang hangad ng apat na koponang nakapuwesto na sa susunod na round sa pagtatapos ngayon ng Shakey’s V-League Season10 Open Conference quarterfinals sa The Arena sa San Juan City.

Kunin ang ika-12 sunod na panalo na magpapatibay pa sa pagiging team-to-beat sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s ang nakaumang sa Cagayan Province sa pagharap sa Army sa gitnang laro sa triple-header sa ganap na alas-4 ng hapon.

Ang Lady Troopers ang number two team sa 9-2 baraha at gagawin din nila ang lahat ng makakaya upang mabawian ang Lady Rising Suns at magkaroon ng kumpiyansa sakaling sila din ang magkita sa Finals.

Crossover ang Final Four at ang Cagayan ang makakatapat ng Air Force habang ang Army ay babangga sa Smart-Maynilad sa best-of-three series.

Sasalang din sa laban ang Air Women at Net Spi­kers laban sa mga talsik ng koponan na Philippine National Police at Meralco sa ganap na ika-2 at alas-6 ng hapon.

Angat ang Smart sa 7-4 laban sa 6-5 ng Air Force at posibleng magkatabla ang dalawa sa 7-5 baraha kung matalo ang una at manalo ang huli.

Pero walang mababago sa puwestuhan dahil mas maganda ang quotient ng Smart sa Air Force.

 

vuukle comment

AIR FORCE

AIR WOMEN

ANG LADY TROOPERS

CAGAYAN PROVINCE

FINAL FOUR

LADY RISING SUNS

LARO NGAYON

MERALCO

NET SPI

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with