^

PSN Palaro

Pagbebenta ng mga scalpers ng tiket, kinondena ng UAAP

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinondena kahapon ng UAAP ang pagbebenta ng pagkamamahal na ticket ng mga scalpers para sa tagisan ng UST at La Salle sa Game Two ng Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Nagbenta kahapon ang Big Dome ngunit iilan lamang ang nakabili dahil naubos na ang mga ticket.

Sa mga online na lamang makakabili ng tickets ngunit sobrang mahal nito tulad ng Upperbox A na ang regular price ay nasa P800 lamang pero ito ay ibinebenta ngayon sa P12,000.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ang scalping ngunit muling iginiit ng pamunuan ng liga na hindi nila pinahihintulutan ito.

“The UAAP denounces such overpricing of tickets. A UAAP basketball fans are advised not to deal with scalpers,” wika ni league board secretary Malou Isip ng Adamson.

Tiniyak din  niyang mahuhuli  ang mga nagbeben­ta sa labas ng mga ticket lalo pa’t limitado ang upuan sa venue.

Isang bagay na pinaniniwalaan ng UAAP ay ang pagpapalusot ng mga ticket kaya’t dumadami ang mga ibinebenta sa labas.

“They need to realize Araneta Coliseum’s capa­city and not everyone can enter the venue. Our 80% ticket allotment were already divided and distributed to the two concerned schools,” dagdag ni Isip.

Alam din ng liga ang mga code o sections ng tickets na ibinigay                                                         sa  mga paaralan kaya’t ma­lalaman nila kung sino ang mga posibleng nagbenta ng illegal na tickets kapag lumabas na may dobleng inimprenta na tiket sa iisang upuan na nagaganap din sa Big Dome at ang laro na tinitira ng mga scalpers ay ang tagisan ng magkaribal na La Salle at Ateneo.

ARANETA COLISEUM

BIG DOME

GAME TWO

LA SALLE

MALOU ISIP

SMART ARANETA COLISEUM

UPPERBOX A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with