^

PSN Palaro

Pacquiao sa GenSan na itinuloy ang pagsasanay

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kanyang pagbabalik sa General Santos City ay kaagad sumabak sa ensayo si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao bilang paghahanda kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China.

Ayon kay Pacquiao, mas dadagdagan niya ang oras sa punchmitts sa kanyang Wild Card Boxing Gym sa General Santos City.

“Kailangan nating dagdagan ‘yung exercise natin, yung punchmitts natin, ‘yung mga ginagawa natin,” sabi ng 34-anyos na si Pacquiao “Patindi na nang patindi ang training natin.”

Nakatakdang sagupain ni Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) si Rios (31-1-1, 23 KOs) para sa World Boxing Organization International welterweight title.

Ito ang unang laban ni Pacquiao ngayong taon matapos matalo kina Timothy Bradley, Jr. (split decision) at Juan Manuel Marquez (sixth-round KO) noong Hunyo 9 at Dis­yembre 8, 2012, ayon sa pagkakasunod.

Bilang preparasyon sa 27-anyos na si Rios ay mu­ling kinuha ni Pacquiao si dating strength and conditioning coach Justine Fortune na siyang papalit sa sinibak na si Alex Ariza.

Ang Australian na si For­tune, nagsilbi sa Team Pacquiao simula noong 2001 hanggang 2007, ay nakatakdang dumating sa bansa sa Linggo.

Inspirado rin si Pacquiao sa kanyang pagsagupa kay Rios dahil sa inaasahan niyang pang-limang anak nila ng asawang si Jinkee.

Ang unang apat na anak nina Pacquiao at Jinkee ay sina Jimuel, Michael, Princess at ang 5-anyos na si Queenie.

 

vuukle comment

ALEX ARIZA

ANG AUSTRALIAN

BAM BAM

GENERAL SANTOS CITY

JINKEE

JUAN MANUEL MARQUEZ

JUSTINE FORTUNE

PACQUIAO

TEAM PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with