^

PSN Palaro

MVPSF-PBaRS 8th leg papalo sa Oct. 28

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Muling magpapatuloy ang labanan para sa bad­minton titles at ran­king points ngayong buwan sa paghataw ng pang-wa­long leg ng MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) sa Oktubre 26-31 sa Powersmash at sa Ro­binsons Place Manila.

Patuloy ang pagpapa­tala at ang deadline ay na­katakda sa Oktubre 14.

Ang entry fee ay P500 para sa unang entry at P250 para sa susunod na pagpapalista.

Ang pagpoposte ng mga partisipante ay sa Oktubre 16 at ang draw ay sa Oktubre 18 sa PBaRS office sa San Juan City, ayon kay PBaRS tournament director Nelson Asuncion.

Para sa detalye ay magtungo sa PBaRS office sa 20 E. Maclang cor. P. Guevarra Sts., San Juan City o kaya ay tumawag sa 7252568 at 7828202.

Ang on-line registration ay maaaring gawin sa pbars.com.

Ang event ay ang ta­nging ranking badminton tournament, may basbas ng Philippine Badminton Association na pinamumunuan ni Vice President Jejomar Binay katuwang sina sportsman Manny V. Pangilinan bilang chairman at Rep. Albee Benitez bilang sec-gen.

Winalis nina Toby Gadi at Bianca Carlos ng Golden Shuttle Foundatio ang premier Open singles titles.

ALBEE BENITEZ

BIANCA CARLOS

GOLDEN SHUTTLE FOUNDATIO

GUEVARRA STS

MANNY V

NELSON ASUNCION

OKTUBRE

PHILIPPINE BADMINTON ASSOCIATION

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with