Umaatikabong bakbakan ng St. Clare, CEU para sa NAASCU title
MANILA, Philippines - Ilalabas ng St. Clare College of Caloocan ang puso ng isang kampeon sa pagharap sa Centro Escolar University para sa titulo ng 13th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) ngayon sa Makati Coliseum.
Asahan ang umaatikabong bakbakan sa pagitan ng Saints at Scorpions dahil ang mananalo sa larong itinakda sa ganap na alas-12 ng tanghali ang siyang kikilalanin bilang kampeon ng collegiate league na ito.
Nakauna ang Saints sa dikitang 70-68 panalo pero binawi ito ng Scorpions sa mas kumbinsidong 67-59 panalo sa Game 2.
Walang duda na ang momentum ay nasa panig ng tropa ni coach Edgar Macaraya at pihadong gaÂgawin din nila ang lahat ng makakaya para maagaw ang titulo at makumpleto ang produktibong kampanÂya na kinatampukan ng 11-0 sweep sa elimination round.
Ngunit ang mailagay sa kasaysayan bilang ikatlong koponan na naka-back-to-back sa liga ang isang bagay na magdaragdag inspirasyon sa bataan ni coach Jinno Manansala.
Ang University of Manila at San Sebastian-Dasmarinas ang mga koponan na nanalo sa magkasunod na taon sa NAASCU.
Unang laro sa ganap na alas-9 ng umaga ay sa pagitan ng CEU at Our Lady of Fatima University para sa kampeonato sa juniors division.
- Latest