Janario 2 ginto na ang itinakbo MAASIN
MAASIN CITY, Leyte , Philippines --Hinirang si Karen Janario ng Leyte Sports Academy-Smart na pinakamabilis na atleta sa track and field event ng Philippine Sports Commission-Philippine Olympic Committee Batang Pinoy Visayas qualifying leg.
Nagtala ang 14-anyos na si Janario ng bilis na 13.05 segundo para angkinin ang gintong medalya sa girls’ 100-meter dash sa Southern Leyte Sports Complex Tomas Oppus Pilot School.
Ito ang ikalawang gold medal ni Janario matapos dominahin ang 100m hurdles sa oras na 15.58 seÂgundo.
Nakamit naman ng host Maasin City ang kanilang ikalawang gintong medalya matapos manaig ang kanilang futsal team sa Baybay B, 2-0, sa Badian Gym.
Nakamit naman nina Cebu City pride Ivan Miguel Santos at Jrict Ray Talicug ang kanilang tig-dalawang gold medals kagaya ni Palarong Pambansa champion Anjelica de Josef.
Inangkin ng 14-anyos na tubong Lezo, Aklan na si De Josef ang mga ginto sa 1,500m at 400m.
Kinolekta naman ni Santos, ang unang atletang kumuha ng gintong medalya noong Miyerkules, ang kanyang pangatlong ginto mula sa panalo sa boys 1,500m at 5,000m.
Si Talicug ang umangkin sa mga ginto sa boys century dash at 400m para sa 50 gold, 32 silver at 14 bronze medals ng Cebu City na sinusundan ng Bohol Province (22-32-14) sa medal tally.
- Latest