^

PSN Palaro

Lucky 9 sa Cagayan

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalusutan ng Cagayan Province ang pinakamatinding hamon na naranasan sa Shakey’s V-League Season 10 Open Confe­rence nang itakas ang 25-14, 16-25, 25-22, 23-25, 15-13 panalo sa Meralco kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Si Aiza Maizo ay tumapos taglay ang 16 hits at ang huling kill ang siyang kumumpleto sa pagba­ngon ng Lady Rising Suns mula sa limang puntos pagkakalubog sa deciding set.

Bumawi si Thai spiker Kannika Thipachot sa li­mitadong paglalaro sa huling asignatura ng Caga­yan sa kinamadang 28 hits, tampok ang 25 kills, habang ibinuhos ni Angeli Tabaquero ang lahat ng 21 marka sa atake para bigyan ang koponan ng 72-54 bentahe laban sa Power Spikers.

Ito ang ikasiyam na sunod na panalo ng Lady Rising Suns para tumibay ang paghahabol sa number one spot sa ligang inor­ganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Isa lamang sa 21 puntos ni Wang ang ginawa sa kills pero siya rin ang nagtanggal sa momentum ng Meralco sa isang service error sa puntong tabla sa 13-all ang iskor.

Tumapos naman taglay ang 27 puntos, kasama ang 21 kills, si Alyssa Valdez kahit nahuli ng dating sa laro para kunin ng Smart-Maynilad ang 17-25, 25-17, 25-20, 25-22, panalo sa Philippine National Police sa unang laro.

Si Valdez na mayroon ding apat na aces at 2 blocks, at si Grethcel Soltones ay nahuli dahil sa iskedul ng kanilang klase.

“Masuwerte na rin at tama lang ang pagdating nila para makuha ang panalo,” wika ni Net Spikers coach Roger Gorayeb.

Si Lithawat Kesinee ay mayroong 17 kills tungo sa 19 hits at ang Smart ay umangat sa 6-3 baraha para manatiling nasa ikatlong puwesto sa ligang may suporta pa ng Accel at Mikasa.

Bumaba ang PNP sa ikapitong pagkatalo sa siyam na laro  at nasayang ang 16 kills ni Janine Marciano.

ALYSSA VALDEZ

ANGELI TABAQUERO

CAGAYAN PROVINCE

GRETHCEL SOLTONES

JANINE MARCIANO

KANNIKA THIPACHOT

LADY RISING SUNS

MERALCO

NET SPIKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
12 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with