Amit hinugot sa Team Asia na sasargo sa Queen’s Cup 10-ball
MANILA, Philippines - Napili si dating SEA GaÂmes gold medalist Rubilen Amit para mapabilang sa Team Asia sa gaganaÂping Queens Cup sa Resorts World Manila mula Nobyembre 5 hanggang 7.
Si Amit ang ikalawang Asian player na ninombra sa koponan matapos italaga si Ga Young Kim ng South Korea bilang team captain. Dalawa pang manlalaro ang pipiliin para makumpleto ang koponan.
Makakalaban ng apat na pinakamahusay na lady cue artist sa Asia ang apat na mabibigat na manlalaro galing ng US at Europe.
Nauna ng itinalaga si Kelly Fisher ng United Kingdom bilang team captain ng West at makakasama na niya si Jasmin Ouschan ng Austria.
“I feel honored to be part of the elite team represenÂting Asia. I am committing myself to doubling my efforts in practice for this event,†wika ni Amit na nanalo na rin ng ginto, pilak at bronze medals sa World ChamÂpionships na sinalihan
Ang torneong ito ay isang Ryder Cup format event na paglalabanan sa 10-ball.
Ang tagisan ay inilagay sa singles, doubles, triples at 4-on-4 at ang koponan na makakauna sa paghablot ng 10 panalo ang siyang kiÂkilalaning kampeon.
Kung sakaling umabot sa 9-9 tablang iskor ang labanan, ito ay reresolbahin sa huling laro sa bisa ng isang 4-on-4 na tagisan.
- Latest