^

PSN Palaro

One Run, One Philippines sa 5 siyudad ilalarga ng ABS-CBN

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Linisin ang mga estero sa Quezon City ang pag­tutuunan ngayon ng pondong makukuha ng  ABS-CBN Foundation gamit sa One Run, One Philippines eco run sa Oktubre 6 sa Quezon City Memorial Circle.

Ito na ang ikalimang taon ng proyekto at uma­bot na sa P25.94 milyon ang perang nalikom sa mga naunang patakbo na ipinantustos sa paglilinis sa Estero de Paco at Estero de San Miguel.

Isasabay sa 60th ani­bersaryo ng ABS-CBN, pinalawig ang sakop ng patakbo dahil sa gagawing simultaneous run sa Cebu City, Bacolod City, Davao City at Burbank, California na ang layunin din ay ang  makakalap ng pondo para ipantustos sa ecotourism projects sa mga nabanggit na lugar.

Non-competitive ang patakbo na gagawin sa distansyang 21K, 10K at 5K at ito ay magsisimula sa ganap na alas-4:30 am at katatampukan din ang patakbo ng mga kilalang artista ng network na makikihalubilo sa mga sasali.

 

vuukle comment

BACOLOD CITY

CEBU CITY

DAVAO CITY

ESTERO

ONE PHILIPPINES

ONE RUN

QUEZON CITY

QUEZON CITY MEMORIAL CIRCLE

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with