^

PSN Palaro

NCAA games kinansela uli

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagpaliban uli ng NCAA ang kanilang naka­takdang laro kahapon dahil sa malakas na ulan at malawakang pagbaha dulot ng  Habagat.

Laro sa pagitan ng San Sebastian-St. Benilde at Arellano-Jose Rizal University sa juniors at seniors ang dapat na naisagawa kahapon sa The Arena sa San Juan City.

“The NCAA has decided to cancel the basketball game today, Sept. 23, 2013 due to floods and bad weather. Also, the safety of the athletes and students is more important to the association. Schedules for the following matches will be announced at a later date,” wika ng kalatas ga­ling kay NCAA MANCOM chairman Dax Castellano ng St. Benilde.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagpaliban ng laro ang liga dahil sa Habagat dahil sa first round ay ilang laro rin ang hindi itinuloy dahil sa malawakang pagbaha sa Metro Manila.

Wala pang iskedul kung kailan gagawin ang naudlot na laro ngunit tiyak na hina­hanapan ng pamunuan kung paano isisingit sa ibang nakatakdang laro ang mga ito para hindi humaba ang kompetisyon.

May pangamba na simula na ng semestral break pero naglalaro pa ang liga dahil sa orihinal na iskedul ay sa Oktubre 21 pa matatapos ang elimination. Ito ay bukod sa nakanselang laro kahapon.

 

ARELLANO-JOSE RIZAL UNIVERSITY

DAX CASTELLANO

HABAGAT

IPINAGPALIBAN

LARO

METRO MANILA

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN-ST. BENILDE

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with